HAIR DRESSER ESTE DISASTER

Hi Guys, hope you are all well lalo na sa mga readers ko from Philippines na sabi sa news ay nagu-ulan. Sorry ha kung mejo hindi ako updated lately. As usual, busy ako sa mga bagay-bagay. Pero madami akong nakahandang post, nasa draft lang talaga sila kasi wala din akong time para magedit at mag-proof reading (wow ha).

Taglish post muna tayo for today. Ayoko muna kasing mag-english kasi hindi ako ganong ka-inspire at ayokong pahirapan ang sarli ko hahaha. Pero seryoso, ramdam ko kasi na mas kwela kung ikwento ko ng taglish yung experience ko sa Salon nung Saturday. Yes, nagpunta ako salon kasi nga dati ko pa gustong pagupitan tong buhok ko. Nade-delay lang ng nade-delay ang plano ko kasi wala akong time tsaka nagdadalawang isip ako kasi mahal magpagupit dito sa bundok kung nasaan man ako(Papua new Guinea). Gusto ko lang naman ay magkabangs ako. Iniisip ko na antayin ko na lang ang bakasyon ko(malapit na) at doon ko na lang ipaayos. Iniisip ko din na pwede siguro kahit ako na lang maglagay ng bangs sa sarili ko kasi ginagawa ko naman yun dati pero natatakot ako. Baka kasi maupod ko nanaman ang bangs ko na parang ginamitan ng ruler kagaya ng nangyari sa akin dati, ayokong sumugal bes.

So ayun nga. Saturday is the day. Ang totoo naman talaga ay wala akong plano nun na magpagupit. Ang plano lang that day ay mag-grocery ng kailangan namin sa bahay at bumili ako ng souvenir, fridge magnet at keychain na ipapasalubong ko. Medyo nabago yung ruta namin. Dumaretso kami dito sa “known hotel” na may salon kasi gustong pagupitan ng Tita ko yung anak niya. Sabi ko papagupit na din ako. Pagpasok namin sa salon, naupo muna ako doon sa parang lobby nila. Nagiisip kasi ako kung desidido na ba talaga ako at naghanap pa ako ng picture na paggagayahan ng maggugupit just to make sure na magiging ganon yung buhok ko. Minsan na din kasi akong nagpagupit doon at nasunod naman dati yung gusto kong buhok. Napagdesisyonan na magpagupit na talaga. Naupo na ako at pinakita ko yung pic na paggagayahan.

Matagal ko ng trip ang buhok ni Hayley Williams magmula nung ni-launch nila yung video nilang “Hard Times”. Tsaka turn on ako sa mga may pa-bangs effect, ganern. Tagal na din nung huli akong nagbangs at super iksi ng buhok ko nun at medyo nagkahawig kami ni Dora the Explorer, lol. Sabi ko, pahabain ko lang ng kaunti buhok ko magbabangs talaga ulit ako kasi nga Idol ko si Hayley at gusto ko siyang i-peg.

Mabalik ako doon sa pagpapakita ng pic. Nakita na nga ng maggugupit sa akin yung picture ni Hayley. Sabi ko, “yan ganyan po may fringe, pero same length” kumbaga, kung kailangan itrim, trim lang pero hindi iiksian. Sabi nung naggugupit na kung pwede ba daw mahiram ang phone ko at magsearch siya ng buhok. May ipinakita siya na picture ng buhok na medyo layer layer. In-explain niya na need lagyan ng layer ang buhok ko para magkaroon ng volume. Sumagot na lang ako na “kayo na po ang bahala”. Nagtiwala ako kasi alam ko mas sila ang nakakaalam kasi nga hair dresser nga sila.

Sinimulan na akong gupitan. Nakita ako ang bawat buhok na nagugupit sa akin. Suguro may mga 2 inches din yon. Basta yung nile-layer ng bahagya. Siguro saglit lang akong ginupitan, wala pang 30 minutes at binlow dry na nga. Napaisip ako na bakit parang ang bilis naman ata. Not the usual time pag  ginugupitan ako. Usually kasi mga more than 30 minutes ako kapag nagpapagupit. Inisip ko na baka dina-dry lang muna saka gagamitan ng thinning scissor para numipis buhok ko at lalagyan ako ng bangs. Nung tapos na akong i-blow dry, aba, tinanggal na ni ateng ang kapa at pinapagpag niya ang mga buhok sa katawan ko. Hindi na ako nahiya magtanong sabi ko, “hindi mo ba ako lalagyan ng bangs?” Tapos sabi niya hindi daw bagay sa akin may bangs lagyan niya daw ako french bangs lang daw. Expected ko kahit yung side swept na mga pang emo pero kumuha lang siya bahagya tas ginupit niya para masabi lang na ginupit niya. Frustration level 99999999 talaga ako sa outcome kasi hindi naman ganun ang expectation ko. Isa pa, di ko naman first time maglalagay ng bangs kaya alam ko kung bagay o hinde. Hindi talaga ako natuwa kasi parang walang nangyari sa buhok ko, parang nagpablow dry lang ako sa salon, gusto ko ba e mapapansin ng tao na nagpagupit ako. Nagbayad ako ng 58 kina = Php 878 pag kinonvert (o di ba ginto?) Feeling ko nag-aksaya ako ng pera, na kaya nga ako nagpagupit para magkabangs ako. Sa frustration ko imbis na awayin ko yung naggupit sa akin, nanahimik na lang ako, hindi ako nagbigay ng tip sabay labas ng salon at nagpunta na lang ako doon sa café ng hotel para mabawasan naman kahit papano ang inis ko. Kung alam ko lang sana na ganun lang gugupitin ang buhok ko, sana inantay ko na lang na makuwi ako ng Pilipinas o ako na lang sana gumupit ng sarili kong bangs.

Eto nga pala yung outcome ng bagong hairstyle ko. O di ba parang walang nangyari, nagfly away pa. Hindi ako nilagyan ng bangs kundi HIBANGS, lol.

Me a.k.a pilit na tawa. Next time kasi wag tayo mage-expect, wag masyado atat at matuto mag-antay. MASAKIT UMASA MGA BES 😁

Advertisements